Advertisers

Advertisers

Carla nabisto ni Bea nang sumalang sa lie detector test; Andrea pinakamakinang na Brilliant Skin Ambassadors kay Glenda

0 208

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA guesting ni Carla Abellana sa vlog ni Bea Alonzo, sumalang siya sa lie-detector test challenge.
Sa isang punto ng interview, tinanong ni Bea si Carla kung nakakita ba ito ng red flags sa relasyon na hindi niya pinansin.
Sagot ni Carla,”Yes!”
At umamin din siyang nagsisisi siyang ipinagwalang-bahala niya ang red flags na iyon.
“I am honest enough to say I have regrets. Kailangan iano mo na siya. Hindi mo na puwedeng i-ignore. They’re called red flags for a reason,” aniya pa
Pinagsisisihan ba niyang naikasal?
“Lagi kong nire-ready ‘yung sarili ko sa question na yan, na wala pa namang nagtatanong. Tapos di ko pa rin alam kung anong isasagot ko.”
“No!” na ang ibig sabihn ay hindi siya nagsisisi na ikinasal siya sa dating mister na si Tom Rodriguez.
Pero “lie” ang resulta ng lie-detector machine.
Humingi naman si Carla na ipaliwanag ang kanyang sagot.
Ayon sa kanya kaya sumagot siya ng ‘No’ dahil marami siyang naging konsiderasyon bago sumagot.
Paliwanag ng aktres, “Gusto kong sabihing ‘No,’ kasi kahit papano ‘yun bang kung paano tayo pinalaki sa kultura natin.
“Dahil Catholic din ako na parang, ‘Hindi, no regrets dapat, kasi part ‘yan ng plan ni God.’
“But then, kung honestly, kung si Carla, tanggalin mo lahat ‘yon [considerations], yes, talagang magsisisi ako, nagsisisi ako!” sabi pa ni Carla na natatawa.
“Kasi, honestly, talagang hindi ko pa alam, ano ba ako? Yes or no?”
Pero sumang-ayon siya sa paliwanag ni Bea na, “The rational self will justify.”
Kaya final answer ni Carla, “That’s why, yes yung truth ko.”
***
NGAYONG gabi na mapapanood sa Araneta Coliseum ang concert ni Ms. Glenda, ang CEO at Lady Boss ng Brilliant Skin Essentials billed as ‘Pinakamakinang: The Brilliant Concert 2023’
Makakasama rito ang Brilliant Skin ambassadors na sina Seth Fedelin, Zeinab Hanake, Jillian Ward at Andrea Brillantes.
Kasama rin sa pinakamakinang na performers sina Alden Richards, Jona, Morisette Amon, Adie, Mayonaisse, Kamikazee, Drag Queens at ang Pop-Rock icon na si Bamboo.
Special guests din sina Ms. Korina Sanchez at Senator Raffy Tulfo.
Magsisilbing hosts naman sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, MC, Lassy, at Sam YG.
Sa tanong kay Miss Glenda kung sino sa mga endorsers ng Brilliant Skin ang maituturing niyang pinakamakinang, since ito ang title ng concert niya, ang sagot niya,”I think it’s Andrea Brillantes. Sobrang love na love ko ‘yang batang yan.
“Sobrang ate talaga ang turing niya sa akin. And grabe siyang magmahal. And grabe siyang maka-apperciate.
“For example, magsa-sign siya ng contract o kasa-sign niya lang, palaging ‘Ma’m Glenda,thank you kasi nakabili ako ng bahay, nakabili ako ng sasakyan. So, ganoon siya.
“Kasi noong kinuha ko siya, Kadenang Ginto days, siguro bago pa lang din nagsisimula ‘yung journey niya sa pag-angat, and nakasabay ko siya throughout her jouney.
“So parang lagi siyang thankful.
“And siyempre gusto ko rin palang mag-thank you kay Mama Marbeth, kasi siya yung make-up artist ni Blythe na ngayon ay make-up artist ko na rin and friend ko. Siya ‘yung nagpakilala sa akin kay Blythe.
“Sobrang bagay kay Blythe (na maging ambassador) kasi Brilliant Skin, Brillantes.
“Pinapirma ko siya ng five years pa (na kontrata). So, matagal pa kaming magsasama ni Andrea.”
Gaano na ba kayaman ang isang Ms.Glenda?
“Ang hirap naman pong sagutin ang tanong na yan,” natatawang sagot ni Ms. Glenda.
Patuloy niya,”Pwede na po akong magpahinga. Pwede na po akong hindi magtrabaho pati ang buong pamilya ko.”
So, base sa naging sagot ni Miss Glenda ay super yaman na talaga siya, di ba? Na kahit hindi na siya magtrabaho ay hindi mauubos ang pera niya. Bongga siya!
Ang Pinakamakinang concert ay pasasalamat ng kumpanya sa kanilang Brilliant Skin Essentials loyal users, friends, resellers, distributors at franchisees para sa kanilang suporta sa kanilang lumalaking pamilya. Importante na malaman ng lahat na ang nasabing concert ay libre para sa kanila.