Advertisers

Advertisers

DA pinag-aaralang ibaba sa P125 per kilo ang SRP ng sibuyas

0 186

Advertisers

PINAG-AARALAN ng Department of Agriculture (DA) na ibaba pa ang suggested retail price (SRP) ng sibuyas at siniguradong mahigpit din daw nilang babantayan ang mga palengke.

Sa harap ito ng pagdating ng mga imported na sibuyas at inaasahang peak ng anihan ng nasabing gulay.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, para matiyak na bababa ang retail prices ng sibuyas ay ikinokonsidera nila na itakda ang SRP nito sa P125 kada kilo.



Pero aminado ang opisyal na may posibilidad na hindi makasunod ang mga palengke sa srp.

Magugunita na bago dumating ang mga imported na sibuyas ay pumapalo sa P700 ang bentahan nito sa merkado. (Josephine Patricio)