Advertisers

Advertisers

Nurse na rider patay sa van

0 137

Advertisers

Patay ang isang school nurse na rider ng motorsiklo nang makasalpukan ang van, Sabado ng gabi sa Isabela.

Kinilala ang biktimang si Carl Mike Christopher Maravilla, 33 anyos, may asawa, school nurse ng Gamu Agri-Fishery School, Gamu, Isabela, at residente ng Santa Cruz, Benito Soliven, Isabela.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng van na kinilalang si Raymart Vizcarra, 31 anyos, at residente ng Bitabian, San Mariano, Isabela.



Ayon kay PCapt. Federico Dulay Jr., deputy chief of police ng Naguilian Police Station, naganap ang insidente sa Surcoc, Naguilian, Isabela.

Sa report, minamaneho ng biktima ang X-Max na motorsiklo pauwi sa kanilang bahay habang minamaneho naman ni Vizcarra ang isang Hyundai Grace Van, na kulay green.

Pareho umanong mabilis ang patakbo ng dalawa dahilan para magsalpukan ang mga ito at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Vizcarra.

Isinugod naman ng rumespondeng Rescue 101 ng Naguilian, Isabela sa Faustino L Dy Sr., Memorial Hospital ang biktima subali’t idineklarang patay ng umatending doktor.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Vizcarra.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">