Advertisers
EPEKTIBO ngayong araw ay magpapatupad ng bigtime oil price rollback ang mga kompanya ng langis.
Sa abiso ng Pilipinas Shell at Seaoil, bababa ng P3 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P2.10 naman sa gasolina.
May P2.30 din silang tapyas-singil sa kerosene.
Kaparehong price adjusment ang ipatutupad ng Petro Gazz at Cleanfuel maliban sa kerosene.
Ipatutupad ang oil price rollback ngayong alas-6:00 ng umaga habang mauunang magpatupad nito ang Cleanfuel ngayong alas-12:01 ng hatinggabi.