Advertisers
Nahuli na ng Taguig Police ang presong nakatakas mula sa Airport Police detention cell sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala ang bilanggo na si Ramie dela Cruz, 34.
Sa ulat, tinunton ng Taguig Police nang humingi ng tulong ang Airport Police Department (APD).
Ayon sa report, tumakas si Dela Cruz noong nakaraang linggo mula sa detention cell ng APD.
Sinasabing responsable si Dela Cruz sa mga nakawan ng mga kable ng kuryente sa NAIA Terminal 3 at pinapasok din nito ang mga saradong tindahan sa airport para pagnakawan.