Advertisers
Natangayan ang isang pulis ng issued firearm, P30,000 cash at cellphone nang pasukin ng hindi pa kilalang magnanakaw ang bahay sa Navotas City, Lunes ng madaling araw, Pebrero 6.
Sa pahayag ni PSSg Gorgonio Pedro Buntan III, 45, nakatalaga sa Navotas police SWAT si PSSg Karl Benzon Dela Cruz, na natutulog ito sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa Pat Buntan corner Judge A Roldan St., Brgy., San Roque nang magising ito 4:00 ng madaling araw para magbanyo.
Habang papunta sa banyo napansin ng biktima na nakaawang ang pinto ng kanyang bahay at nang kanyang tingnan nadiskubre nito na sira na ang pinto at puwersahang binuksan.
Agad niyang tiningnan ang kanyang personal na mga gamit sa ground floor hanggang sa matuklasan niya na sira at puwersahang binuksan ang kandado ng kanyang cabinet.
Nang tingnan niya ang kanyang mga gamit sa loob ng cabinet nadiskubre niya na wala na ang kanyang siisued firearm na isang Beretta 9mm pistol na may serial number P63495Z, P30,000 at cellphone na nasa P6,000 ang halaga.(Beth Samson)
Ipinaalam niya ang pangyayari sa kanyang mga kapabaro na nagsasagawa na ng follow up operation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.