Advertisers

Advertisers

Pulis patay sa ‘fun run’

0 131

Advertisers

Nasawi ang isang pulis nang himatayin habang nasa kalagitnaan ng sinalihang fun run sa Cebu City.

Kinilala ang nasawi na si Patrolman Lee Rodrocks Carbonilla, 31, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion Central Visaya.

Sa report, 4:35 ng madaling na maganap insidente sa Cebu Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu City.



Nabatid na lumahok ang biktima sa isang fun run kung saan tatahakin ng mga kasali ang Cebu Cordova Link Expressway (CCLEX).

Nang nasa kalagitnaan na ng fun run ang biktima nang bigla na lang ito bumaksak at himatayin habang tumatakbo.

Agad naman sinaklolohan ang biktima at mabilis na isinugod sa pinakamalapit na ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Nagsasagawa naman ng imbestigashon ang mga otoridad kaugnay ng nasabing insidente.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">