Advertisers

Advertisers

Tropa ng Marines tinambangan: 1 patay, 3 sugatan

0 230

Advertisers

Patay ang isang miyembro ng Philippine Marines (PM) habang tatlong iba pa ang sugatan nang tambangan ng hindi pa nakikilalang grupo sa bayan ng Marogong, Lanao del Sur nitong Sabado.

Kinilala ang nasawing biktima na si Sgt. Tonti Pamaranl at ang mga sugatan na sina Sgt. Aniñon, Sgt. Aradji at Cpl Mark Anthony Banares, pawang mga miyembro ng Marine Battalion Landing Team 2.

Sa ulat, dumaraan ang mga biktima sa Barangay Cabasaran sa nasabing bayan 3:00 ng hapon nang pagbabarilin ng mga hindi pa matukoy na salarin gamit ang 5.56mm rifle base sa mga narekober na basyo ng bala sa lugar.



Samantala, tinutugis na ng mga awtoridad ang mga salarin sa naganap na pag-atake.