Advertisers

Advertisers

35 key investment deals nilagdaan ng Pilipinas at Japan

0 157

Advertisers

PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang signing ng Letters of Intent o LOI na may kinalaman sa pamumuhunan at iba pang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at malalaking kompanya sa Japan.

Nasa 35 key investment deals ang nilagdaan ng dalawang bansa na ang ilan ay may kaugnayan sa imprastraktura, enerhiya, healthcare at agrikultura.

Sa kanyang talumpati sa Tokyo, nagpasalamat si Pangulong Marcos sa mga Japanese firms at partners sa pagkonsidera sa Pilipinas bilang lugar na katuwang sa pagpapalawak ng kanilang mga negosyo.



Patuloy aniyang magtatrabaho ang gobyerno para mas lumalim pa ang kumpiyansa ng mga kompanya at dayuhang mamumuhunan.

Sinabi ng Pangulo, isinusulong na rin ng pamahalaan ang mahahalaga at “game-changing reforms” upang mapabuti pa ang ating kapaligirang pangnegosyo. (Vanz Fernandez)