Advertisers

Advertisers

5 NPA todas sa engkuentro sa Masbate

0 166

Advertisers

NASAWI ang limang miyembro ng New People Army (NPA), habang 4 ang nadakip sa engkwentro sa Cawayan, Masbate.

Inaalam pa ang pagkakakikanalan ng 5 nasawing mga rebelde, habang patuloy ang isinsagawang imbestigasyon sa 4 na mga nadakip.

Ayon kay Major Frank Roldan, spokesman 9th Infantry Division, 6:00 ng umaga nang maganap ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at nasa 20 rebelde sa Barangay Guiom, Cawayan.



Nagsasagawa ng community support program ang mga sundalo nang makatanggap ng impormasyon na mayroon mga armadong grupo na namataan gumagala sa nasabing lugar.

Nagsagawa ng security patrol ang mga sundalo at nasabat ang mga armadong grupo na humantong sa engkwentro.

Tumagal ang bakbakan ng 20 minuto, nagresulta ng pagkasawi 5 rebelde.

Sa clearing operation, nadakip ng mga sundalo ang 4 rebelde at nakarekober ng 6 mataas na kalibre ng baril.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">