Advertisers
INIHAIN ni House Committee on Constitutional Amendments chairperson at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang panukala na gawing limang taon ang kasalukuyang tatlong taong termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Pinapanatili naman ng House Bill 7123 ang limitasyon na ang isang opisyal ay maaari lamang umupo ng hanggang tatlong sunod na termino.
Naniniwala si Rodriguez na sa pagpapahaba ng termino ay magpapatatag sa mga barangay.
“It is not enough to ensure that the programs of the barangay are carried out properly, especially considering the fact that it cannot be denied that the last year of the term is basically used for campaigning,” sabi ni Rodriguez.
Aamyendahan ng panukala ang Section 43 ng Local Government Code.