Advertisers

Advertisers

BETERANONG CUSTOMS OFFICER, BAGONG CUSTOMS CHIEF!

0 299

Advertisers

INIHAYAG ng Palasyo ng Malakanyang ang pagkatalaga kay Bienvenido “Ben” Rubio bilang bagong customs commissioner, kapalit ni “Yogi” Filemon Ruiz na nagsilbing acting customs chief simula Hulyo 2022.

Tubong Batac, Ilocos Norte, nagsimula si Rubio bilang ‘Special Agent 1’ sa Aduana noong 2001 hanggang maitalagang Director III, Port Operations Service ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021.

Bilang intelligence officer, nabigyan ng kredito si Rubio sa kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling, dahilan upang patuloy na umangat ang kanyang posisyon sa ahensiya.



Mula sa SA-1, umangat pa ang posisyon ni Rubio bilang intelligence officer at chief ng Intelligence Division, Manila International Container Port (MICP).

Isang class valedictorian noong high school, nagtapos si Rubio ng AB Political Science sa Ateneo de Manila University at ng kanyang doctorate sa San Beda College of Law.

Bilang POS director, binigyang kredito si Rubio sa kanyang mga inisya- tiba upang mapabilis ang mga transaksyon sa lahat ng 17 collection districts sa Aduana.

Sa pahayag sa media matapos ang anunsiyo ng Malakanyang, sinabi ni Rubio na prayoridad niya ang pagtiyak na makuha at malampasan pa ang ‘assigned collection target’ ng Aduana ngayong taon, mapabilis ang ‘digitization’ sa mga proseso nito at itaas pa ang moral ng mga empleyado ng ahensiya.

“I believe in promoting good governance by strengthening the Bureau of Customs first, through active collaboration with its partner-agencies and stakeholders. Essentially, stakeholders will always be considered and included in the process of improving customs services and procedures,” paliwanag pa ng bagong talagang opisyal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">