Advertisers

Advertisers

13-anyos pinakabatang ina sa Bontoc

0 153

Advertisers

Ayon sa pahayag ng Munisipalidad ng Bontoc, 13 anyos ang edad ng pinakabatang ina sa kanilang lugar sa Mountain Province.

Naglabas ito ng pahayag matapos ang pagka-alarma ng Commission on Population and Development na tumataas ang bilang ng mga batang babae na nabubuntis sa edad na 10 hanggang 14 taong gulang.

“According to Municipal Civil Registrar Valentina Domaoa, the number of teenage mothers in 2022 has increased by 39.28% compared to the previous year,” pahayag ng LGU ng Bontoc.



“Further, the PSA reported that about one in every ten teenage mothers in the entire Mountain Province was registered in this capital town,” dagdag pa nila

Sa ulat ng World Health Organization, ang mga babaeng naging ina sa edad na 10 hanggang 19 anyos may mataas na posibilidad magkaroon ng eclampsia, puerperal endometritis at systemic infections kung ikukumpara sa mga babaeng naging ina sa edad na 20 hanggang 24.