Advertisers

Advertisers

Drug den sinalakay: 2 sundalo, 6 pa arestado

0 220

Advertisers

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 11 ang dalawang sundalo at anim na iba pa nang mahuli sa aktong nagbebenta at nagpa-pot session sa Tagum City, Davao Del Norte.

Kinilala ang mga naaresto na sina Private First Class (PFC) Butch Ysmael Tabuzares; PFC Rigor Ramales; Davao del Norte Local Government Unit employee William De Vera; Armando Parallaga; Michelle Dano; Yul Clin Misoles; Jodee Porlares; at Mike Guadelquiver.

Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang PDEA 11 dakong 9:00 ng gabi noong Huwebes sa Purok 13, Brgy. San Miguel, Tagum City laban sa ‘tulak’ na si Parallaga, 56, delivery driver.



Nang magpositibo ang buy-bust at makuhanan ng P9,000 halaga ng shabu, agad na pinosasan si Parallaga at pinasok ang bahay nito na sinasabing drug den.

Dito na naaktuhang nagpa-pot session sina Tabuzares, Ramales, De Vera , Misoles, Porlares at Guadelquiver.

Binitbit din si Dano na live-in partner ni Parallaga na sinasabing nagmamantine ng drug den.

Nasamsam ng mga operatiba sa loob ng bahay ang 15 sachet ng shabu na may timbang na 46 gramo na nagkakahalaga ng P312,000, mga drug paraphernalia, isang caliber. 45 na baril, isang 9mm na Uzi sub-machine gun at sari-saring mga bala.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2022 ang mga naarestong drug suspect.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">