Advertisers

Advertisers

EJ Obiena kumalawit ng silver sa Berlin

0 166

Advertisers

KUMALAWIT ng silver medal si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa 2023 ISTAF Indoor tournament sa Berlin.

Nalundag ni Obiena ang 5.82 meters para magtapos second at ilista ang kanyang ika-anim na medalya sa sindaming tournaments ngayon taon. May naipon na siyang 3 gold medal 2 silvers at isang bronze.

Sinubukan ng Tokyo Olympian na pantayan ang kanyang national indoor rekord na 5.91 meters pero nabigo sa tatlong attempts.



Nagtapos si Obiena pangalawa kay world rekord holder Mondo Duplantis ng Sweden na pinagharian ang event na nagtala ng bagong rekord na 6.06 meters.

Ang kasalukuyang Olympian champion ay sinubukan na basagin ang kanyang sariling world rekord na 6.20 meters pero nabigo na malundag ang 6.22m.

Aussie Kurtis Marschall ay nalundag ang 5.82m pero nagtapos third sa likuran ni Obiena via coutback rule.

Ang silver medal finish ni Obiena sa Berlin ay nangyari ilang oras matapos ipaskil sa kanyang Facebook page Biyernes ng gabi, pinagbawalan ang kanyang supporters na tulungan siya financially.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">