Advertisers

Advertisers

5 sundalo patay sa pamamaril sa nabuang na kasamahan

0 145

Advertisers

Inilunsad ng Philippine Army (PA) ang pagsasagawa ng “internal probe” kaugnay sa insidente ng pamamaril sa loob ng Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City na kinasangkutan at kalauna’y ikinasawi ng limang sundalo.

Kasunod ito ng naganap na shooting incident sa compound ng Service Support Battalion sa nasabing lugar 1:10 ng madaling araw ng Sabado.

Ayon kay Major Alden Briñas, Command Duty Officer ng Philippine Army, unang nasawi ang apat na personnel ng Service Support Battalion o SSBn na sina Sgt. Rogelio Rojo Jr., Cpl. Bernard Rodrigo, Private First Class Prince Kevin Balaba at Pvt. Joseph Tamayo habang napatay din kalaunan ang gunman na si Pvt. Johmar Villabito.



Sugatan naman sa insidente si Staff Sgt. Braulio Macalos Jr.

Sinabi ni Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang 4th Infantry Division ng Philippine Army hinggil sa naturang insidente.

Layon nito na alamin ang dahilan at kung ano ang nagbunsod ng pag-aamok ng isang sundalong kabilang din sa nasawi sa nasabing shooting incident.

“Well definitely, we are looking into the incident. That’s why the 4ID is conducting internal investigation aside from the PNP so far who is also conducting an investigation. Gusto rin po namin ma-indentify yung gaps and what really the reason, or what triggered this particular or unfortunate incident. Kami rin po ay nakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa incident.” ani Trinidad.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Trinidad na mayroon silang ipinapatupad na mental health program para sa buong hukbo ng Philippine Army.



Kasabay ng pagbibigay-diin na ang kasalukuyang internal investigation na kanilang isinasagawa sa naturang insidente ang layuning makita pa ang mga posibleng naging lapses sa recruitment process at training sa mga bago nitong sundalo upang maiwasan na ang muling pagkakaroon ng ganitong klaseng mga insidente sa susunod na panahon.

“Kaya nga po tayo nagkaroon ng internal probe para malaman natin ang mga kadahilanan kung bakit nangyari ang ganitong insidente at makita pa ang mga pagkukulang sa ating recruitment process at isinasagawang training sa ating mga bagong sundalo. Ito din po ay ginagawa natin para misawan natin ang mga similar na insidente na pwedeng mangyari sa susunod na panahon.” dagdag pa niya.

Samantala, nagpahayag naman ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ang buong hukbo ng Philippine Army kasabay ng pangakong pagpapaabot ng kaukulang tulong at suporta sa mga ito.