Advertisers
Nanaksak hanggang sa mapatay ng salarin ang isang lalaki nang hindi payagan ito na makitagay sa kanilang inuman sa Daraga, Albay.
Kinilala ang salarin na si Ryan Marco Lustina, 35 anyos at residente ng naturang lugar.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa Purok 3, Brgy. Kidaco, Daraga, Albay 9:00 ng gabi nitong Pebrero 9, 2023.
Ayon sa report ng Daraga MPS, nakikipag-inuman ang biktima na kinilala na si Jovel Llaguno, 30 anyos ng naturang barangay sa kaniyang kaibigan ng biglang dumating si Lustina na lasing na rin.
Tumanggi umano ang biktima na patagayin si Lustina dahilan para magkaroon ng away ang dalawa na nauwi sa suntukan ngunit biglang bumunot ng patalim ito at pinagsasaksak ang biktima.
Dead on the spot ang biktima habang naaresto si Lustina nang isuko ng pamilya nito.