Advertisers

Advertisers

Nagtalo sa hatian sa kita: Magsasaka kinatay ng kabaro

0 113

Advertisers

Patay ang isang magsasaka nang saksak ng kapwa magsasakay nang magtalo sa hatian ng kita sa ibinentang mga kahoy sa Roxas, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang biktima si Apolonio Cabador Belagantol, 49, magsaska ng Purok Madasigon, Brgy. Labakid, Roxas, Zamboanga del Norte .

Naaresto ang salarin na si Jemwel Cabador Belagantol, 45, magsaska ng nasabing rin lugar.



Ayon kay Maj Shellamie Chang, spokesperson ng PRO9, 6:15 ng gabi ng maganap ang pananasak sa Purok Madasigon, Brgy. Labakid, Roxas, Zamboanga del Norte

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kaugnay sa kanilang hatian sa kinitang ibinentang mga kahoy.

At nauwi sa mainitan an pagtatalo ng dalawa hanggang sa suntukin ng biktima si Jemwel sa mukha.

Dahil dito binunot ni Jemwel ang itak sa kanyang baywang at inudayan ng saksak ang si Apolonio sa dibdib na ikinasawi nito noong din.

Agad naman tumakas si Jemwel ngunit nadakip ito sa isinagawang follow up operation.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Jemwel.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">