Advertisers

Advertisers

Pulis, 1 pa patay sa aksidente sa Quezon

0 306

Advertisers

Patay ang dalawang katao kabilang ang isang pulis habang sugatan ang isa pa sa aksidenteng nangyari sa Maharlika Highway, Kanluran Mayao, Lucena City, Quezon noong Biyernes.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Staff Sergeant Rodante Madurog, na siyang rider ng police motorcycle. Hindi naman napangalanan ang isa pang biktima na siyang pasahero ng tricycle.

Sa ulat, nangyari ang aksidente 5:00 ng hapon nang magkasalpukan ang isang tricycle at isang police motorcycle at may dumaang pick-up.



Ayon sa report ng Lucena City Police Station, nag-overtake sa isang sasakyan ang tricycle dahilan para makasalpukan nito ang paparating na police motorcycle.

Sa tindi ng salpukan, tumilapon ang driver ng tricycle pati na ang babaeng pasahero. Tumilapon din si Madurog.

Dead on the spot ang babaeng pasahero ng tricycle nang mahulog mula dito at masagasaan ng isang dumaraang pick-up.

Agad isinugod sa pagamutan si Madurog at ang driver ng tricycle na nasa kritikal na kondisyon.

Sa pagamutan na binawian ng buhay si Madurog.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">