Advertisers
NANATILING walang talo si Eumir Marcial bilang professional boxer matapos ang impresibong stoppage win laban kay Ricardo Villalba ng Argentina Linggo sa Alamodome sa San Antonio,Texas.
Marcial, na lumalaban sa ilalim ng Manny Pacquiao’s MP Promotions banner, pinataob si Villalba ng dalawang beses tungo sa second round technical knockout victory.
Gumanda ang kanyang professional rekord sa 4-0, Kontrolado ni Marcial hanggang sa matapos ang laban, gamit ang lakas kung saan siya nakilala sa amateur level.
Pinadapa si Villalba sa unang pagkakataon sa nalalabing 23 seconds sa opening round, nagpakawala ng malalakas na kaliwa sa katawan na sinabayan ng napakagaling na double jab. Nagawa ni Villalba na makatayo bago ang eight-count pero paika-ika hudyat para tapusin ang laban.
Ito ang ika-apat na sunod-sunod na kabiguan ni Villalba, na nalaglag sa 20-8-1 sa kanyang professional career.
Unang laban ni Marcial simula noong October 2022, nang gulipihin si Steven Pichardo sa Carson,California.
Ang laban ay naganap sa undercard ni Rey Vargas- O’Shaquie Foster .