Advertisers
UMABOT sa 60 bahay, mga paaralan at gusali ang nasira sa magnitude 6.0 na lindol sa Masbate.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Bicol Gremil Naz, sa pinakahuling datos nakapagtala sila ng 61 nasira, karamihan sa mga ito mula sa mga bayan ng Batuan, San Fernando at Palanas.
Nakapagtala rin ng 15 paaralan ang nasira kabilang ang 7 mula sa bayan ng Uson at 8 sa Batuan.
Nasira rin ang 16 school non-infrastructure, 16 computer sets, 10 furnitures at 130 educational materials.
Habang nasa 6 imprastraktura ang nasira, 5 rito ay mula sa Masbate kabilang ang Magallanes Coliseum at isa sa Sorsogon na kinabibilangan ng mga pribadong establisimyento.
Maging ang Canares Health Center sa Batuan ay nasira rin at nagkaroon din ng mga sira ang Canvanes road.
Samantala, namahagi na rin ang Department of Health (DOH) Bicol ng P100,000.00 halaga ng sari-saring gamot, 300 jerry cans, 50 hygiene kits at 50 cot bed sa mga apektadong pamilya.