Advertisers
SUGATAN ang 80-anyos na lolo nang hambalusin ito ng rolyo ng stretch film ng dati niyang empleyado na tinangka siyang holdapin sa Tanza, Cavite nitong Miyerkoles.
Kinilala ang biktima na si Ponciano Marfil, negosyante, ng Barangay Tejero, Gen.Trias City, Cavite; habang naaresto ang salarin na si John Carlo Cenizal, 25, ng Barangay San Juan 1, General Trias City.
Sa ulat, magsasara na ng kanyang shop ang biktima sa Barangay Poblacio, Tanza nang lapitan ito ni Sugatan at nagdeklara ng holdap 5:30 ng hapon.
Tinangka ni Sugatan na agawin ang bag ng biktima pero nanlaban ang huli kaya kinuha nito ang stretch film at inihataw sa ulo at katawan ng biktima at tumakas.
Kasama ang kanyang dalagang anak, nagsumbong ang biktima sa mga barangay tanod na nagresulta ng pagkakaaresto kay Sugatan sa kanilang bahay sa Gen. Trias City.