Advertisers

Advertisers

Sangla-ATM modus pinatutuldukan

0 190

Advertisers

SINABI ni Senador Raffy Tulfo na dapat ipagbawal na ng gobyerno ang modus ng ilang kompaniya na nagpapautang na may ‘sangla-ATM card’ modus.

Ayon kay Tulfo, marami sa mga biktima ng naturang modus ay mga pensioner ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Bagama’t aminado ang baguhang senador na pinapatulan ang mga ganitong istilo dahil narin sa labis na pangangailangan sa pera.



Ngayon ay walang batas na nagbabawal sa paggamit ng ATM card bilang collateral sa utang.

Diin ni Tulfo, kung may batas ay mapaparusahan na ang mga gumagamit ng ganitong modus.

Nagpahayag naman ng suporta si Majority Leader Joel Villanueva sa nais ni Tulfo sa katuwiran na mga nasa marginalized sector, tulad ng indigent senior citizens ang nabibiktima ng mga mapang-abusong kompaniya.