Advertisers

Advertisers

2 patay sa sunog sa Caloocan

0 255

Advertisers

SA unang araw ng ‘Fire Prevention Month’, patay ang magtiyahin sa sunog na naganap sa Block 57 Brgy. 8 ,Caloocan City.

Kinilala ang mga biktima na sina Patricia Sasota, 9 anyos; at Ning Jing Alparaque, 40.

Ayon kay Caloocan City Fire Marshal, Supt. Jeffrey Atienza, unang nailabas ang katawan ng bata at dinala sa ospital subali’t idineklarang dead on arrival .



Nakita naman ang sunog na katawan ni Alparaque na natabunan ng debri sa loob ng bahay.

Isa lang ang entry at exit ng bahay kaya hindi agad nakalabas ang mga biktima dahil nasa bungad ang apoy.

Sugatan naman ang dalawa pang kaanak ng mga biktima .

Nagsimula ang sunog 10:00 ng gabi at naapula bago mag-12:00 ng hatinggabi. (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">