Advertisers

Advertisers

HELICOPTER NA GINAGAMIT SA MEDICAL EVACUATION, NAWAWALA SA PALAWAN

0 154

Advertisers

AYON sa CAAP, ang naturang chopper na may sakay na 5 katao kabilang na ang isang pilot, isang nurse, isang pasyente at 2 kasama nito ay nawawala mula pa kaninang alas 9 ng umaga.

Nag-take off ito kaninang 7:30 am mula sa Brooke’s Point, Palawan para sana mag-pick up ng pasyente mula sa Mangsee Island sa Balabac, Palawan at inaasahan sanang dadating ng 10:30 ng umaga sa Southern Palawan Provincial Hospital.

Subalit ito ay hindi ma-contact hanggang ngayon, ang Alouette helicopter na may registry no. N45VX ay ino-operate ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS).



Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga otoridad sa Palawan. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)