Advertisers

Advertisers

Panawagan kay DILG Sec. Abalos: Droga at sugal sa Batangas sugpuin!

0 1,248

Advertisers

DAHIL sa kabiguan ng pulisya, lokal na pamahalaan at barangay na umaksyon laban sa matinding problema sa mga iligal na sugal at droga sa lalawigan ng Batangas, nananawagan ang CALABARZON- based anti-crime and drug watch group kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na atasan sina PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., Region 4A Director BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., at Batangas Provincial Director Col. Pedro Soliba na magsagawa ng mga pagsalakay sa mga hayag na kuta ng mga gambling con-drug den sa naturang lalawigan.

Binigyan ng pangunahing pansin ng anti-crime and drug watch group ang talamak na operasyon ng dalawang sakla den sa bayan ng Padre Garcia, na matatagpuan sa Malvar Street at Brgy. Payapa na nasasakupan ni Mayor Celza Braga-Rivera.

Anila, kailangan nang makiaalam si Sec. Abalos sapagkat sa halip na umaksyon sina Padre Garcia Police Chief Major El Cid Villanueva at Soliba ay tila pinabayaan na ng mga ito na lalo pang madagdagan ang palasak na iligal na pasugalan sa munisipalidad.



Maging si Batangas Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Officer, LtCol. Victor Sobrepeòa, ay dedma din sa mga drug/gambling operation sa Padre Garcia.

Ang nasabing sakla den ay pinatatakbo ng magkasosyong Tisoy at Nonit.

Katabi ng sakla den ay ang rebisahan ng Small Town Lotery (STL) con jueteng na inooperate din nina Tisoy at Nonit, kapwa itinuturing na salot ng mga mamamayan pagkat nagpapabenta pa umano ng shabu, front ang mga nasabing pasugalan.

May bantay pang unipormadong pulis ang sakla den at rebisahan ng STL con-jueteng.

Maraming beses nang ipinarating ng mga apektadong residente at maging ng religious group kay PD Soliba at Major Villanueva ang reklamo nila laban sa saklaan, pati na ang pa-jueteng nina Tisoy at Nonit sa 18 barangays ng Padre Garcia, mga laylayang barangay ng Lipa City, at bayan ng Rosario, ngunit hindi naman inaaksyunan ng pulisya.



Kaya napilitan nang manawagan ang mga apektadong mamamayan kay BGen. Nartatez Jr. ngunit ang kanilang sumbong ay “pumasok lamang sa kaliwang tenga at lumabas sa kanan tenga” ng heneral, walang aksyon na ginawa sa kanilang karaingan.

Sa laki ng pagkadismaya ay humingi na ang mga apektadong residente ng tulong sa anti-crime and drug watch group, na dumulog naman sa SIKRETA para iparating kay Sec. Abalos ang problema sa peace and order sa Padre Garcia na pinalala ng ‘di masawatang operasyon ng iligal na sugal at droga sa naturang munisipalidad. (CRIS A. IBON)