Advertisers

Advertisers

Tserman binaril-patay ang utol

0 145

Advertisers

WANTED ngayon ang isang barangay kapitan matapos barilin-patay ang kapatid nitong lalaki sa Barangay Poblacion Argao, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Mark Anthony Villamora, 39 anyos; habang ang salarin ay si Roberto Villamora alyas “Yongyong”, 40, kapitan ng Brgy. Panadtaran sa nasabing bayan.

Ayon kay PCMS Vivian Tamayo, imbestigador ng Argao Municipal Police station, nanonood ng billiards ang dalawa nang magkaroon ng alitan.



Umalis ang biktima at pagbalik nito, nagkabarilan sila ng kapatid.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan nguni’t dahil sa natamong tama sa didbdib binawian ito ng buhay.

Sa pagsusuri sa CCTV footage, sinabi ni Tamayo na hindi pa nila matukoy kung sino ang naunang nagpaputok dahil naka-high beam ang sasakyan nguni’t nakapagpaputok ng apat na beses ang kapitan.

Posibleng gumanti din ang biktima dahil may natagpuan sa tabi nitong basyo ng bala at armas sa pinangyarihan ng krimen.

Dati na umanong hindi magkasundo ang magkapatid, katunayan ay pinapa-blotter na ng makailang beses ng kapitan ang kapatid dahil sa grave threat, alarm and scandal, at slight physical injuries and maltreatment.



Nahaharap sa kasong homicide ang barangay kapitan.