Advertisers

Advertisers

Anti-Hazing law walang pangil – PAO

0 140

Advertisers

INIHAYAG ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief, Atty. Persida Acosta, na kaya paulit-ulit nalang ang napapatay na mga estudyante sa hazing ay dahil hindi mabangis o walang pangil ang ‘Anti-Hazing Law’.

Hiniling ni Acosta na repasuhin ng mga mambabatas ang nabanggit na batas bunsod ng mga serye ng karahasan sa mga estudyante na nauuwi sa brutal na kamatayan dulot ng hazing.

Nang tanungin si Acosta na kung sakali lumapit sa kanilang mga abogado ang mga miyembro ng fraternity na nag-uugnay sa hazing ng Adamson University student na si John Matthew Salilig, agad niyang sinabi na hindi nila ito tutulungan.



Aniya, humingi na ng tulong sa PAO ang pamilya ni Salilig at isa pang biktima ng hazing sa Cebu.