Advertisers

Advertisers

Isa pang tauhan ng OTS sa NAIA huli sa pagnanakaw ng relo ng turista

0 199

Advertisers

ARESTADO ang isang tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) nang pagnakawan ng smart watch ang isang Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, Miyerkoles ng madaling araw, Marso 1.

Kinilala ang dinakip na si Valeriano Ricaplaza, nakatalaga bilang Security Screening Officer ng OTS sa NAIA Terminal 1.

Sa impormasyon ni OTS Administrator Maria Aplasca, nangyari ang insidente ng pagkuha sa smart watch ng pasaherong Chinese 2:30 ng madaling araw sa security screening area.



Batay sa imbestigasyon, naiwan ng pasaherong si Sun Yuhong na patungong Hong Kong ang kanyang smart watch sa tray na ginagamit sa xray machine ng security screening area.

Nang balikan ni Yuhong ang kanyang relo na inilagay sa tray, na standard operating procedure, ay wala na ito.

Nang tingnan ang CCTV footage, nakitang naiwan nga sa tray ang relo ng pasahero na nakita ni Ricaplaza, pero pinatungan niya ito ng isa pang tray bago kinuha ang relo ni Yuhong.

Todo-tanggi pa si Ricaplaza sa alegasyon dahil wala namang nakuhang smart watch sa kanya nang kapkapan ng mga kasamahan.

Agad ipinadakip ng OTS sa PNP AVSEGROUP si Ricaplaza na nasa kustodiya ngayon ng PNP at nakatakdang kasuhan ng ‘theft’.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">