Advertisers
SUMUKO na nitong Huwebes ang ang apat na suspek sa pagkamatay sa hazing ng estudyante ng University of Cebu na si Ronnel Baguio noong December 2022, ulat ng Cebu City Police Office.
Sa isang Facebook post, sinabi ng pulisya na sumuko ang mga suspek sa mga awtoridad matapos makipagpulong ang fraternity at sorority groups sa awtoridad.
Kakaharapin ng mga suspek ang reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law, ayon sa pulisya.
Nauna nang kinilala ng Cebu City Police ang limang suspek na mga opisyal ng fraternity.
Natagpuan ng pulisya ang dalawang testigo sa pagsasagawa nila ng imbestigasyon, kabilang ang miyembro ng fraternity na nag-recuit kay Baguio.
Ayon sa Public Attorney’s Office, ang hazing kay Baguio ay nangyari December 10, 2022 at ang biktima ay isinugod ospital December 18, 2022.
Base sa kanyang death certificate, si Baguio ay namatay sa ‘severe acute respiratory distress syndrome secondary to indirect lung Injury, acute kidney Injury secondary to rhabdmyolosis’, at ‘acute kidney injury secondary to rhabdomyolosis’.