Advertisers

Advertisers

Halos 30K pamilya apektado ng oil spill sa Mindoro

0 150

Advertisers

HALOS 30,000 pamilya ang naapektuhan ng tumagas na langis mula sa lumubong na oil tanker sa Oriental Mindoro.

Sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), apektado na ng oil spill ang 29,432 pamilya o 131,996 indibidwal.

Mula ang mga ito sa 121 barangays sa Oriental Mindoro, Palawan at Antique.



Umabot na sa P7 milyong halaga ng tulong ang naipagkaloob ng DSWD, mga local government unit at mga pribadong organisasyon sa mga apektadong residente.

Naglaan din ang ahensya ng P778 million na standby funds.

Samantala, sinimulan na nitong Biyernes ng Philippine Coast Guard, Local Government Unit at mga volunteer ang massive cleanup drive sa bayan ng Pola, isa sa pinakaapektado ng oil spill.