Advertisers

Advertisers

Kababaihan, pinasalamatan ni VM Yul Servo-Nieto

0 568

Advertisers

“ANG mga kababaihan po ay matinding sakripisyo ang pinagdaanan. Katulad ng mga nanay, wala po silang tigil sa trabaho at pag-aalaga ng pamilya. Mula sa pagbubuntis hanggang sa mga unang buwan pagkatapos manganak, na kung saan halos hindi sila matulog pag umiiyak ang baby, hanggang sa pagpasok ng mga anak nila sa eskwela, ang mga nanay po ay walang tigil sa pag aalaga sa pamilya.”

Ito ang makabuluhang pahayag ni Manila Vice Mayor Yul Servo-Nieto sa kanyang pagkilala sa papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pamilya at sa bansa kaugnay ng selebrasyon ng Manila City Council sa National Women’s Month nitong March 8, 2023.

Ang programa ay ginanap sa Session Hall at dinaluhan ng Manila City District Councilors at City Hall officials, kabilang na ang mga speakers mula sa pribadong sektor.



Kabilang sa mga tinalakay sa nasabing programa ay ang cervical cancer, menopausal atvHIV awareness para sa kababaihan, gayundin ang sexual harassment sa trabaho at iba pa.

Tuwing buwan ng Marso taon-taon simula pa noong 1988, ang Pilipinas ay naglalaan ng espesyal na atensyon sa mga nagawa ng mga matatatag at pambihirang kababaihan. Ito ay bilang bahagi ng bansa sa paggunita sa promulgasyon ng United Nations’ sa International Women’s Day upang lumikha ng kamalayan at pag-usapan ang karapatang sibil, pantao at pagkakapantay para sa kababaihan.

Pinasalamatan ng bise alkalde ang mga kababaihan ng Maynila, unang-una na si Manila Mayor Honey Lacuna na gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang nahalal at naupong bise alkalde ng Maynila noong 2019. Si Lacuna na isa ring doktor ang kauna-unahang babaeng presiding officer ng Konseho ng Maynila. At muli noong 2022 ay gumawa uli ng kasaysayan si Lacuna bilang kauna-unahang nahalal at naupong alkalde ng kabisera ng bansa.

Pinasalamatan din ni Servo-Nieto ang mga Manileñas na naging mahusay sa kanilang larangan at sa mga sakripisyo nila ‘di lamang sa kanilang pamilya kundi sa bansa.

“Marami pong salamat sa mga kababaihan, lalo na ang mga Manilena, na walang tigil sa pagtulong sa kani-kanilang pamilya pati na sa ating bayan, ” sabi ni Nieto. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">