Advertisers
Kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong salarin sa Bukidnon noong Biyernes, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ang shooting incident kung saan target si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., itinuturing nang “solved.”
Inihayag ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr., na kilala ang mga nahuling salarin bilang mga miyembro ng Gandawali group na sangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidad sa mga bayan sa pagitan ng Lanao del Sur at Bukidnon.
Sinabi ni Azurin na sangkot ang grupo sa marijuana cultivation, robbery, at gunrunning.
Base pa kay Azurin, lumabas sa police investigation na nagtago ang mga salarin sa isang Lumad community sa Kalilangan matapos ang pananambang sa Maguing, Lanao del Sur noong Feb. 17.
Sa nasabing ambush, sa Kalilangan, Bukidnon nagtamo ng sugat si Adiong habang nasawi ang apat niyang kasama. Kinabukasan nang maganap ang krimen, isa sa mga salarin na kinilalang si “Otin” ang napatay sa engkuwentro sa mga pulis.
Samantala, kinumpirma rin ng PNP na isa ang business rivalry sa mga posibleng motibo sa likod ng pag-atake kay Aparri vice mayor Rommel Alameda noong Feb. 19.
Isa si Alameda sa anim na indibidwal na napatay sa shooting incident sa Bagabag, Nueva Vizcaya.
Iginiit ng mga pulis na ipagpapatuloy nito ang operasyon laban sa loose firearms, organized crime groups, at pagbuwag sa private armed groups.