Advertisers
INIREKOMENDA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso sa justice department laban sa 20 pang opisyal at miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law sa pagkamatay ng Adamson student na si John Matthew Salilig.
Tatlong fratmen ang inirekomenda na maging star witness para sa pagbibigay ng impormasyon sa panahon ng imbestigasyon, kabilang ang 250-page screen grabs ng group chat ng fraternity.
Sinabi ng NBI na kinilala nito ang fratmen na sangkot sa pagpaplano ng initiation, at ang mga sangkot sa paglipat ng kanyang bangkay sa isang bakanteng lote sa Cavite, kungsaan ito inilibing at natagpuan.
Dinala rin sa justice department ang limang persons of interest na sumuko sa NBI, kabilang ang isang alyas na “Biggie” na iginiit na imbitado lamang siyang bisita sa welcoming rites.
Sinabi ng DOJ na 7 miyembro ng frat ang nagplano at aktwal na lumahok sa nasabing hazing.