Advertisers

Advertisers

Admission fee sa Bar Exam tinaasan ng SC

0 105

Advertisers

ITINAAS ng Supreme Court (SC) sa P5,000 ang admission fee sa Bar Exam mula P3,750 na presyo nito.

Sakop nito ang mga sasaillaim sa oath taking at roll signing ng mga pumasa sa 2022 Bar exam.

Ito ay base sa rekomendasyon ng Office of the Bar Confidant dahil na rin sa pagtaas sa operation costs.



Partikular ang bayarin sa venue ng oathtaking at roll signing ceremonies.

Gayundin ang iba pang logistical expenses tulad ng allowances ng personnel na nangangasiwa ng naturang mga seremonya.