Advertisers

Advertisers

Ambulansya ginamit sa pamamaril sa Marawi

0 131

Advertisers

GINAMIT ng isang lalaki sa pamamaril sa Marawi City ang isang town ambulance para maisagawa ang krimen.

Sa CCTV footage, nakuhanan ang ambulansya na huminto sa gilid ng kalsada bago barilin ng drayber nito ang lalaking nakatayo sa malapit.

Pagkatapos gawin ang krimen ay agad sumibat ang gunman.



Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alaman na nakarehistro ang ambulansya na pagmamay-ari ng bayan ng Ganassi.

Ang hinihinalang drayber nito na namaril ay kinilalang si Ansary Marohombsar, dating municipal councilor na matagal nang tinutugis ng batas.

“Allegedly ‘yung suspek is team leader ng MDRRMO [Municipal Disaster Risk Reduction Management Office] ng Gannasi municipality kaya may access talaga siya sa ambulansya,” sinabi ni Marawi city police chief Lieutenant Colonel Gieson Baniaga.

Kinilala ni Baniaga ang biktima na si Joseph Alindo Saragena. Ngunit lumabas sa imbestigasyon na hindi ito ang target ng gunman kundi ang tao na nasa gilid nito.

“There was this initial report na ang nangyaring insidente kahapon ay parang personal grudge. ‘Yun nga kanina sinabi ko na may involving love triangle,” dagdag pa niya.



Ayon naman kay Police Major Alvison Mustapha, spokesperson ng Lanao del Sur Provincial Police Office, ambulansya ang ginamit ng gunman dahil alam niyang hindi agad-agad mapapahinto ang naturang sasakyan.

“Ang ambulansya alam naman natin na hindi pwedeng i-[flag] down eh, hindi pwedeng iharang sa checkpoint… inanticipate niya na magagawa niya sa pagtakas ito ginamit niya,” aniya.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang ginamit na ambulansya bago iturn-over sa munisipyo na iniwan ng gunman ang pamamaril.