Advertisers

Advertisers

5 politiko sa Iloilo may banta sa buhay

0 178

Advertisers

NAKATANGGAP ng banta sa buhay ang limang elected officials sa lalawigan ng Iloilo batay sa threat assessment na ginawa ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO).

Hindi na inihayag ni IPPO Spokesperson Major Rolando Araño kung sino ang elected officials na nakatanggap ng threat dahil sa security reasons.

Sinabi ni Araño na isasailalim pa sa re-evaluation ang natanggap nilang impormasyon.



Bagama’t may banta sa buhay ang limang elected officials ay wala umanong “eminent threat” o seryosong banta laban sa kanila.

Dagdag ni Palomo, handa ang PNP na magbigay ang karagdagang security detail sa mga naturang opisyal kung kinakailangan.

Ang threat assessment ay ginawa ng pulisya sa Region 6 kasunod ng mga naitalang serye ng pag-ambush sa ilang opisyal ng gobyerno sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.