Advertisers
Advertisers
Advertisers
REPOST ko lang itong post ng The Daily Sentre sa Facebook:
Nagkaroon ng mainitang palitan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos kwestiyunin ni Sen. Imee Marcos ang prosecution witness na si Roderick Wamil hinggil sa kung sino ang maituturing na accountable officer sa paggamit ng confidential funds.
Ayon kay Marcos, “Sino ang accountable officer dito sa sitwasyon na ‘to? Kasi ang liwanag na hindi naman si Vice President ang payee. Hindi naman sinasabi na nasa kanya ‘yung pera. Ang liwanag sa inyong joint circular that the special disbursing officer is the one who was designated by the head of agency to have custody. In the case of OVP si Acosta ‘yon, and in the case of DepEd, hindi ba si Fajarda ‘yon?”
Sumagot si Wamil, “That is not entirely correct po, Your Honor. Because under the joint circular, it shall be the responsibility of the head of agency…”
Muli namang sinabi ni Marcos, “Ang tinatanong ko lang, hindi ba ‘yung designated ‘yung SDO, si Fajarda lang at si Acosta, hindi si VP. Hindi siya ‘yung payee eh. Ang liwa-liwanag.”
Tumugon si Wamil, “Pero ang sinabi n’yo po kanina ay ‘yung accountable officer.”
Sinagot ito ni Marcos ng, “Kaya nga. So ‘yung accountable officer ay ‘yung SDO.”
Ngunit iginiit ni Wamil, “Hindi lang po si SDO ‘yung accountable officer, Your Honor.”
Dito sinabi ni Marcos, “Hindi. Ang sabi doon, ‘head of agency or person designated.’ Ang liwanag sa definition ng joint circular. Mag-yes or no ka lang. Kanina ka pa eh, inaaway mo ko lagi.”
Ha ha ha…
Si Imee talaga, oo. Parang si SenatOr-Judge Robin Padilla lang kung magtanong. Obyus na obyus ang kanilang kabobohan! Nimal!!!
***
Naaresto na nga ba si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa?
Nitong Miyerkoles ng madaling araw ay nagkakagalo ang mga DDS sa social media.
Ang wanted na si Atty. Harry Roque, dating presidential spokesman ni ex-Pres. Rody Duterte, nag-post: “May naghudas kay Bato”.
Ang abogado ni Bato na si Israelito Torreon ay nagsabing: “Mahihirapan kami kumilos kapag nadala na siya sa ICC sa The Hague.”
Ang kapatid naman ni Bato sa Maynila na si Wenky ay ayaw magsalita.
Samantalang si Sen. Lacson ay nagsabing: “Kung naaresto na si Sen. Bato, on the way na yun sa ICC”.
Nangyari ito nang may mag-post ng video na inaresto si Bato sa isang hotel sa Davao City.
Makikita sa video ang isang nakatalikod na matipunong kalbo na bitbit ng mga awtoridad.
Pero sinabi ng NBI na hindi pa naaaresto si Sen. Bato. Ongoing pa raw ang paghahanap nila dito.
Si Bato ay pinaaaresto ng ICC bilang co-accused ni ex-Pres. Duterte sa kasong crimes against humanity.