Advertisers

Advertisers

Vlogger timbog sa baril at bala sa Cavite

0 8

Advertisers

HIMAS REHAS na ngayon ang kontrobersyal na vlogger na nagbebenta ng mga second hand na sasakyan na si alyas “Boy AC Garage”, nang arestuhin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite Provincial Field Unit na nagpatupad ng search operation sa Sitio Gaerlan, Barangay Buenavista 2 ng General Trias City, Cavite.
Base sa ipinadalang report ni CIDG Cavite Provincial Field Unit, Chief Lt.Colonel Mark Jayson Gatdula, kinilala ang suspek na si Ajil Cabiel Delmundo, alyas Ajil Cabial Delmundo na kilala rin sa social media bilang si “Boy AC Garage”, 26 taon gulang at residente sa kaparehong lugar.Dinakip ang suspek sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Fourt Judicial Region, RTC, Branch 23 ng Trece Martires City, Cavite na may petsang July 29, 2026.
Nahalughog sa bahay ng suspek ang isang (1) unit ng Smith and Wesson Spring Field Revolver caliber 38 na burado ang serial number, mga bala para sa kaparehong kalibre ng baril, sampung (10) piraso ng 12 gauge shot gun live ammunitions at isang kulay puting echo bag.
Matatandaan na naging kontrobersiyal si Del mundo o “Boy AC Garage” sa social media dahil sa mga reklamo ng palpak at sirain na mga sasakyan na kanyang ibinebenta at tila pambubudol na pakikipagtransaksyon sa kanyang mga nagiging kliyente.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act.10591 o Comprehensive in Firearms and Ammunitions Act.at nasa kustodiya ngayon ng CIDG Cavite Holding and Detention Facility.(Koi Laura)