Advertisers

Advertisers

Jing Paras kakasuhan ng human trafficking – DILG

0 4

Advertisers

INIHAYAG ni Interior Secretary Jonvic Remulla na kinokonsiderang sampahan ng kasong ‘human trafficking’ si dating Congressman Jing Paras kaugnay ng umano’y planong paninira sa reputasyon ng ilang miyembro ng gabinete.
Nauna nang iniulat na hindi lamang si Executive Secretary Ralph Recto ang target ng sinasabing “honeytrap” scheme na iniuugnay kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
Kabilang din umano sa mga target sina Remulla, Ombudsman Jesus Crispin Remulla, Cabinet Secretary Benhur Abalos, Public Works Secretary Vince Dizon, at Information and Communications Technology Secretary Henry Aguda.
“I would like to think that si Congressman Legarda is a better person. But to get to the bottom of it, kailangan makita natin talaga kung ano ang nilalaman ng statement ni former Congressman Jing Paras,” ani Remulla sa panayam ng media nitong Miyerkoles.
Ayon kay Remulla, mukhang si Paras ang pasimuno at siya rin ang konektado sa sinasabing bugaw na naglahad ng umano’y plano. Tanging si Paras din umano ang nagbanggit sa pangalan ni Leviste.
“So Jing Paras is the person of interest, ang iimbestigahan namin. And we are considering filing charges of human trafficking against him,” diin ng DILG Chief