Advertisers
TINAWAG ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na isang “fake new” ang kumalat na mga balita na naa-resto o nahuli na ang wanted na si Senador Ronald Dela Rosa.
“Categorically as of 6 p.m. last tuesday night there has been no arrest for Sen. Bato. There has been a lot of speculations na nahuli siya and he is being whisked away to the Hague, hindi po totoo ‘yan ”, pahayag ni Remulla.
Aniya, “Nag-coordinate na kami sa DOJ, nag-coordinate na ang DILG lahat ng law enforcement units, Sen. Bato Bato is still being hunted down.”
Kaugnay nito, sinabi ni Remulla na patuloy ang manhunt operation ng mga tracker team laban kay Dela Rosa at maging sa wanted ding negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at dating Bureau of Correction chief Colonel Gerald Bantag.
Sinabi ni Remulla na hu-ling nakita ang Senador sa Mindanao nguni’t tumangi na ito magbigay ng mga ka-ragdagang impormasyon o detalye hinggil sa mga isinasagawang manhunt operations.
Tiniyak ni Remulla na wala silang dahilan o planong itago sa publiko sakaling maa-resto o madakip si Dela Rosa.
“Of course we are always open, we are transparent, hindi kami ganun, wala kaming secret operations na hindi malaman ng mga tao. We are always transparent in what we do. All the proper channels, all proper procedures gagawin namin according to rule of law,” saad ni Remulla.
Si Sen. Dela Rosa ay nagtatago matapos maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) sa kasong “crime against on humanity” kaugnay ng ipinatupad na kampanya kontra iligal na droga ng nakaraang Duterte administration.
(Mark Obleada)