Advertisers
KLINARO ng Bureau of Immigration (BI) na hindi kinakailangan ang pagdadala ng yearbook photo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para mapayagan na makapag-travel abroad.
Ito ay matapos na maging usap-usapan ang kumalat na video ng isang Filipino traveler na hindi nakaabot sa kaniyang flight dahil sa mahabang interview sa kaniya ng isang immigration officer.
Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval, hindi kabilang sa mga tanong sa interview ng mga Philippine immigration officers.
Aniya, sa ngayon ay inalis na sa sa frontline at ni-reassign na sa backend office ang immigration officer na tinukoy sa nasabing isyu.
Paglilinaw pa ni Sandoval, tanging ticket, passport at supporting documents lamang ang kinakailangan isumite sa immigration office para mapahintulutang makapag travel.
Samantala, bukod dito ay ipinaliwanag din ng tagapagsalita na sa kabila nito ay patuloy din ang kanilang paghihigpit bilang bahagi ng pagsugpo sa talamak na human trafficking na may kaugnayan na rin sa crypto scams.