Advertisers
Binuking nina Senators Ronald “Bato” Dela Rosa at Raffy Tulfo ang pagbibigay ng porsiyento ng nahuhuling illegal drugs sa mga “assets” o impormante bilang pabuya o reward incentive.
Ito ang nadiskubre sa isinagawang hearing ng Senate Committee On Dangerous Drugs kung saan pinakulong ni Dela Rosa ang dalawang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ng PNP dahil sa paulit- ulit na pagsisinungaling(contempt).
Ibinulgar naman ni dating PDEA chief,Director General Wilkins Villanueva na di nila noon pina- praktis ang kultura ng pagkakaloob ng porsiyentong huling droga sa kanilang mga assets.
Di umano puwede ito noong panahon ni former President Rodrigo Roa Duterte na galit na galit sa mga drug pushers.
“Tiyak na may kakalagyan ang sino mang opisyal na gumawa nito”,pagdidiin ni Villanueva.
Samantala, mismong asset ng PNP- PDEG ang nagbulgar na makailang beses siyang nabigyan ng pabuya sa kanyang mga itinip na big-time drug dealers na mula 20- 30 porsiyento mula sa mga drogang nahuli at nakumpiska.
Ito umano ay ini- recycle ng kanyang grupo sa merkado sa halip na cash incentive.
Kailangan kasi ang aktuwal na ” basura” o droga sa kanilang dealings sa underworld.
Sa paraang ito umano patuloy nila (assets)mamo- monitor ang galawan sa kalakaran ng bentahan ng illegal drugs.
Sinabi naman ni Sen.Tulfo na sa sistemang umiiral sa ngayon kung saan mismong huling droga at ipinaparte sa mga police assets bilang pabuya, mistulang tinatarantado ng mga pulis at ng iba pang anti illegal drugs agencies ang kampanya laban sa droga.
“Naggagaguhan” lang tayong lahat sa sistemang ito,banat pa ni Tulfo.
Sa punto de vista nga ng inyong lingkod,bobo ang nakaisip ng ganitong diskarte.
Tanga at inutil para pumayag na mismong droga ang gawing pabuya sa mga assets ng pulisya.
Di ba nila naisip na ang mga assets na ito ay mga professional tipsters at doble- cara.
Kung saan sila kita ng mas malaki ay duon sila nakakampi.
Sa halip na solusyon, karagdagan problema ang dumating!
Kaya maraming naiindultong opisyal eh,dahil lahat ng active players sa industriya ng droga ay tuso at traydor.
Maraming magkakabaro sa law enforcement agencies ang naglalaglagan, worst nagpapatayan.
Kaya nga humantong ang liderato ng DILG sa pananawagan para sa isang mass resignation ng mga 3rd level police officers dahil na rin sa talamak na problema.
Marami sa mga police officers natin sa present set ay hindi lamang basta protektor o patong ng mga drug syndicates kundi mismong mga talamak na drug addicts rin na nag-aasal- halimaw.
‘Yan ang masakit na katotohanang nadiskubre mismo nina DILG Sec.Benhur Abalos at PNP chief, Gen.Rodolfo Azurin Jr.
Kung ang PNP ay na-penetrate na ang hanay, hindi malabong pati mga halal na pulitiko na umuugit ng bansa ay mga drug users na rin.
Maraming Intel reports na nagsasabing may ilang miyembro ng executive at legislative branches ng gobyerno ang gumagamit ng droga.
Isang nakakabinging akusasyon ang binitawang ng suspendidong BUCOR chief, DG Gerald Bantag laban kay Justice Secretary Boying Remulla na gumagamit umano ng marijuana.
Akusasyong hanggang ngayon ay di inamin o itinanggi ng Kalihim.
Pero pagnagpunta ka naman ng Baguio at mag- Marites patungkol sa nasabing isyu laban kay Remulla, sasabihing “common knowledge” na ito among Baguio folks.
Di ba po Mayor Benjie Magalong sir?
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com