Advertisers
TIMBOG sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation ang isang dating kolektor ng Bureau of Customs (BoC) kasama ang dating empleyado ng business tycoon na si Lucio Tan.
Kinilala ng NBI Anti-Organized & Transnational Crime Division (AOTCD) ang mga natimbog na sina Atty. Juan “John” Natividad Tan, dating Customs Collector sa Batangas; at ang dating kawani ni Tan na si Benjamin Sebastian.
Ang dalawa ay inireklamo sa NBI ng kampo ng bilyonaryong negosyante.
Na-entrap sina John at Sebastian sa waiting area ng Century Park Hotel sa Vito Cruz, Malate, Maynila Huwebes ng hapon.
Nabatid na humirit ng P11 million sina John at Sebastian upang ipang-areglo umano sa mga problema sa imports ng kompanya ni Tan. (JOCELYN DOMENDEN)