Advertisers
INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na paiimbestigahan nila ang ginawang pangha-harass ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ilang miyembro ng media.
Ito’y kaugnay sa ikinasang drug raid ng NBI Task Force on Illegal Drugs sa Roxas Blvd. sa Pasay City.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, aalamin niya ang nasabing insidente, kasabay ng pangakong imbestigasyon.
Nabatid na sa nasabing drug raid, ilang media ang umano’y pinipilit na papirmahin sa operation report para maging testigo.
Nang tumanggi ang mga media, minura, minaliit at binastos sila ng mga ahente ng NBI.
May isang media na kinunan pa ng larawan ng isang NBI agent ang kaniyang company ID.