Advertisers

Advertisers

Taas-presyo ng isda posible dahil sa oil spill – BFAR

0 230

Advertisers

INIHAYAG ng opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na posibleng magtaas ng presyo ng isda bunsod ng oil spill sa Oriental Mindoro

Ayon kay Nazario Briguera, spokesperson ng BFAR, kung maging limitado ang supply ng mga isda sa bahagi ng Oriental Mindoro ay posibleng sumipa ang presyo.

Pero hindi pa umano nakikita o nararamdahan ang kakulangan sa supply sa isda sa bahagi ng Mindoro.



Aniya, 3 porsyento ng food production sa Mimaropa ay nanggagaling sa Oriental Mindoro. Isa rin ang Batangas sa mga nag-aangkat ng isda mula sa naturang probinsya.

Karaniwan sa mga nahuhuling isda sa ilang munisipalidad sa Oriental Mindoro ay mga isdang bato kagaya ng lapu-lapu.

Ikinababahala ng BFAR ang long-term effect ng oil spill dahil sa mga tinamaang reef at mangroves na nagsisilbing breeding ground ng mga isda.

Ani Briguera, peak season pa naman ngayon para mangisda.

May nakataas na fishing ban na sa siyam na munisipalidad sa Oriental Mindoro at hindi pa ibinababa dahil nag-extend na ang BFAR ng technical assistance sa pag-check ng water quality.



Saad ni Briguera, ang ilang mga commercial fishing vessels ay tuluy-tuloy ang kanilang paglalayag dahil sa malalayong lugar sila nangingisda.

Sinabi pa ni Briguera na wala pa namang nakikitang senyales ng fish kill dahil sa oil spill. (Mula sa ABS-CBN News)