Advertisers
TINIYAK ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ngayong Lenten Season at Summer vacation ay magiging ligtas at payapa ang pagdagsa ng mga tao na paalis at papasok sa Metro Manila.
Ito ang naging pahayag ni NCRPO Regional Director PMGEN Edgar Alan O Okubo mula sa kanyang obserbasyon ngayong papalapit na ang ‘Semana Santa’ kung saan ang NCR ang mayroong pinakamataas na presensya ng mga pulis sa buong rehiyon.
May kabuuang 4, 690 pulis ang handang italaga sa mga lansangan at mahahalagang instalasyon ng rehiyon para magsagawa ng anti-criminality operations; target hardening measures, pamamahala sa trapiko/direksyon at kontrol at iba pang may kaugnayan sa police public safety services.
Ayon kay PLTCOL Luisito C Andaya Jr., chief ng RPIO, NCRPO , sa iba’t ibang aktibidad na sinusunod sa panahon ng SUMVAC tulad ng Philippine Veterans Week, Araw ng Kagitingan, Lenten, Season, Labor Day, at Flores De Mayo, ang puwersa ng pulisya ay hindi lamang makikita kundi madarama ng ating kapwa sa mga terminal ng transport hubs, mga lugar ng pagsamba, mga mall, palengke, komersyal na lugar, at mga parke sa loob ng Metro Manila.
Nakipag-ugnayan din ang NCRPO sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa karagdagang mga tauhan ng suporta kaya’t nakatakda ang deployment sa kabuuang 7,738 security forces kabilang ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Special Action Force, Regional Highway Patrol Unit (RHPU), Regional Maritime Unit (RMU), at Aviation Security Group.
Sa kabila nito ay hiniling ni Okubo ang kooperasyon at suporta ng publiko tungo sa isang bago, mapayapa, at ligtas na panahon ng Kuwaresma at bakasyon sa tag-araw sa Metro Manila. “Tulungan natin ang isa’t isa, agad na mag-ulat ng impormasyon kaugnay sa mga alalahanin sa seguridad na maaaring dumating sa iyong kaalaman sa pinakamalapit na Police Station o sa pamamagitan ng NCRPO text hotline numbers 0915-888-9181 at 0999-901-8181. Public safety is everybody’s concern,” sinabi niya. (JOJO SADIWA)