Advertisers
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang nagbabawal sa “no permit, no exam” policy at ang pagsuspinde sa pagbabayad ng student loan sa tuwing may kalamidad at national emergencies.
Pumabor lahat ang 22 senador na present sa plenary session bilang pagsuporta sa Senate Bill Nos. (SBNs) 1359 (‘No Permit, No Exam’ Prohibition Act), at 1864 (Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act).
Layunin ng SBN 1359 na ipagbawal ang ‘No Permit, No Exam’ na tutol sa mga estudyante na kumuha ng exam dahil sa hindi nabayarang obligasyon kabilang na ang tuition at iba pang school fees sa publiko at pribadong eskuwelahan.
Ipinagbabawal din sa mga paaralan na pilitin ang mga mag-aaral at kanilang magulang o legal guardian na magbayad ng bahagi ng kanilang utang.
Sa halip, hinihikayat ang mga paaralan na magpatupad ng iba pang paraan tulad ng pagpigil sa pag-iisyu ng diploma o certificates, hindi pagpapahintulot sa pagpasok o pagpapatala sa susunod na taon ng pag-aaral o semestre, pagtanggi sa pag-iisyu ng clearances at pagpigil sa pagpapatuloy sa settlement ng outstanding financial o property obligation sa pamamagitan ng kaukulang legal action.
Layunin naman ng SBN 1864 na magbigay ng kaluwagan sa college students mula sa pagbabayad ng kanilang financial obligations sa eskuwelahan lalo na sa panahon ng deklarasyon ng national o local state of calamity sa kanilang lugar.
Magiging epektibo ang moratorium sa panahon ng state of calamity o emergency at 30 araw matapos alisin ang naturang state of calamity o emergency.
Sa nasabing panahon, walang multa o interes na kokolektahin sa mga ipinagpaliban na pagbabayad. (Mylene Alfonso)