Advertisers

Advertisers

5 PULIS KULONG HABAMBUHAY SA KIDNAPPING

0 228

Advertisers

HINATULAN ng ‘reclusion perpetua’ o habambuhay na pagkabilanggo ang limang pulis na sangkot sa kasong kidnapping noong 2016 nang iturong responsable sa pagkawala ng isang dating overseas Filipino worker na si Enrique Fernandez III.

Kinilala ang mga nahatulang pulis na sina Senior Insp. Ereneo Ramirez, SPO2 Jojo Lim, SPO2 Alaindelon Tacubao, PO2 Sangkula Hussein II at PO2 Alejandro Ubanan.

Acquitted naman ang dalawang sibilyan na sinasabing “police asset” na kasama sa sinampahan ng reklamo.



Sa ‘promulgation of judgement’ ng Branch 17 Regional Trial Court sa Cagayan de Oro City nitong Lunes, “guilty beyond reasonable doubt” ang hatol limang pulis sa kidnapping. Kaya makukulong sila ng hindi bababa sa dalawampung taon at hindi lalagpas sa apatnapung taon.

Pinagbabayad din ang limang pulis ng higit sa P350,000 sa pamilya ng biktima.

Noong Oktobre 2016, nakuhanan ng CCTV na dinampot ng mga nakasibilyang pulis si Fernandez sa labas ng isang establisyemento sa Cagayan de Oro City. Dinala rin ng mga pulis ang motosiklo ng biktima.

Hanggang ngayon, hindi pa tukoy kung ano ang nangyari kay Fernandez dahil nanatili parin itong missing.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">