Advertisers
Kalaboso ang isang dating OFW nang mag-cash in sa isang online payment application pero wala naman pala itong pera na pambayad sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si May Soriano, residente ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, nagtungo sa isang tindahan ang suspek upang mag-cash in sa pamamagitan ng Gcash na nagkakahalaga ng P18,000 pero wala pala itong pambayad.
Nagpanggap pa umano ito na nanalo ng pera sa Wowowin ni Willie Revillame kung saan babayaran nito ang pina-load kapag nakuha na nito ang napanalunan.
Subali’t hindi naniwala ang mga may-ari ng tindahan at agad na itinawag ng PNP ang suspek na agad namang inaresto at ngayon nahaharap na sa kaukulang kaso.